Pinasok naman naming tropa ang larangan ng sabayang pagbiskas. "kailangan eh", activity namin sa Public Speaking, "hindi basta activity to", may competition mangyayari between of two courses III yr. BEEd at kami II yr. Computer Programming AM.
Ang naging plano eh,nag kita-kita kami araw ng Linggo sa Laurel Park Batangas City, "para lang mag praktis", hindi pa yun sapat, nag over night pa kami a day before RAMADAN, sa Tulo kina
---LEIGHVIGNE--- , "mega istorbo kami sa mga magulang nya", "nakakahiya naman",.
At sumapit ang araw ng palabas.
Dalwang oras na lang bago ang simula ng laban, bg binago namin ang halos kalahati ng aming nabuong performance, sobrang kaba at nagaala baka hindi namin magawa ang bagong formation.
Habang kami na ang pinapanood, aminado kaming hindi namin na perfect ang aming tamang galaw, ang daming mali, kaya ng matapos kami, walang tapos ang usapan ng aming grupo ang tungkol sa aming mga mali, "wala ng magagawa yun na yun, tapos na, di na mababawi ang pagkakamali", .
Pero ito talaga ang pagtataka namin at ikina saya ng aming section. Hindi na namin expected ito, sa walong magkakalaban, tatlong place ang pinaglalabanan.
Inanouce ang 3rd placer na nakuha ng BEEd, may pag-asa pa pra sa 2nd place, pero nakuha rin ng BEEd, isa na lang ang natitira ang 1st place, kaya sobrang tense na isa na lang eh wala parin kaming nakukuha. "And the first place! na grupong nag perform ng UNTIGONE! with the average score of 90 percent! group number six CP-AM!!!",
WOW!!! kami yun wala ng iba, kami talaga yun.
Hindi naminexpected talaga, pero maligaya kaming lahat, sobrang sobra. Karangalan yun para sa aming section di ba.
Nakauwi na ko't lahat pero hindi parin ako makapaniwala, first time ko talaga yun na gumawa ng ganon bagos nanalo pa. Ang gandang experiencenun sa kin bagos kasama ko pa ang mga ka tropa ko.